CHERRY LIGHT
PINA-PLANTSA na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsasagawa ng mass testing sa libu-libong Filipino seafarers na nasa mga cruise ships na nakadaong sa Manila Bay.
Ayon kay Coast Guard Commandant, Admiral Joel S. Garcia, target nilang isailalim sa mass testing ang 4, 179 na Pinoy seafarers na lulan ng 12 cruise ships na nakadaong sa Maynila.
Sa ngayon, naghahanda na aniya ang kanilang 15 trained personnel na magsagawa ng swab testing sa seafarers.
Plano rin ng Coast Guard na humingi ng saklolo sa PNP at AFP para sa karagdagang trained personnel para sa malawakang swab testing.
Layon nito na mapabilis ang pag uwi ng mga naka-quarantine na Pinoy seafarers.
Kapag natapos na ang proseso sa Pinoy crew members, isusunod naman ng Coast Guard ang iba pang umuwing OFWs.