JHOMEL SANTOS
POSITIBO sa COVID-19 si Tatyana Navka, ang may bahay ni Dmitry Peskov tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin.
Sa kanyang pahayag sa social media, sinabi ni Tatyana na posibleng nahawaan siya ng kanyang asawa na sa ngayon ay nagpapagaling na rin mula sa COVID-19.
Kasalukuyan nang nakaratay sa ospital si Tatyana Navka, reyna ng Ice Dancing noong 2006 Winter Olympics sa Turin.
Si Navka ay dalawang beses nang naging world champion, tatlong beses na namayagpag sa grand prix finals at kasing daming ulit ding nangibabaw sa buong Europe.
Ang 45-taong-gulang na ice skating luminary rin ang umaktong ambassador sa 2014 Sochi Winter Olympics.