MELROSE MANUEL
IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na regular holiday ang Mayo a-25 upang ipagdiwang ang pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr.
Ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa loob ng tatlong araw matapos ang isang buwang pag-aayuno.
Nakapaloob naman sa Proclamation No. 944 na nilagdaan ng Pangulo na ang deklarasyon ay base sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).
Ginawang regular holiday ang Mayo a-25 upang bigyang daan ng pagkakataon ang sambayanang Pilipino-Muslim na makiisa sa pagdiriwang.
Kasabay nito, pinaalala naman ang pagpatutupad ng health protocols katulad na lamang ng pagsusuot ng facemask at social distancing.