MJ MONDEJAR
MULING nilinaw ni Franchise Lawyer Rolex Suplico sa eksklusibong panayam ng SMNI News na hindi maaaring magpatuloy ang operasyon ng isang TV o radio station kung walang prangkisa mula sa Kongreso.
Ito’y hinggil sa nakatakdang pagtatapos ng prangkisa ng Kapamilya Network o ABS CBN ngayong araw.
“I understand na si (former) Chief Justice Renato Puno ay nag-issue, ito pong Associated Communications and Wireless Services United Broadcasting Networks vs. NTC. Ito po ang sinasabi dito, kung wala kang prangkisa ay hindi ka maaaring pumunta sa NTC para mag-apply sa pag-operate ng isang radio or TV station,” ayon kay Atty. Rolex Suplico.
Aniya, hindi rin nakakatulong ang resolusyon at sulat na ginawa ng ilang mambabatas sa Senado para mapalawig pa ang permission authority ng Kapamilya Network.
Gayunman, nilinaw ni Suplico na may karapatan pa rin itong mag-apply ng panibagong prangkisa sa oras na magpaso ang hawak nitong prangkisa.