MELROSE MANUEL
MAGSASAGAWA ng pagdinig ang House Committee on Energy kaugnay sa biglaang pagtaas ng electric bill ng mga customers ng Manila Electric Company o Meralco.
Pagpapaliwanagin ng komite ang Meralco upang linawin ang isyu kaugnay sa mataas na singil ng kuryente para sa buwan ng Mayo.
Ito ay matapos ang maraming reklamo mula sa mga konsyumer.
Matatandaan na pansamantalang sinuspende ng Meralco ang meter reading activities sa gitna ng ECQ, ngunit nagbalik naman ang skeletal force noong April 18 para sa corporate at business customers, at noong May 6 para sa residential customers.