MELROSE MANUEL
MAHAHARAP sa kaso ang mga doktor na gumagamit ng “Fabunan” vaccine bilang gamot laban sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health, ang Fabunan vaccine ay isang unregistered na gamot at hindi accredited ng Food and Drug Administration (FDA) kung kaya’t ilegal ang pagbebenta o paggamit nito.
Matatandaang kumalat sa social media ang mga videos na marami na umanong nalapatan na mga COVID patients ang nasabing vaccine at gumaling.
Paalala naman ng DOH sa publiko na hindi dapat basta-basta maniniwala dito lalo na at hindi pa rehistrado ang naturang gamot.
Samantala, maliban sa mga kasong kakaharapin ng mga doktor na may kaugnayan sa “Fabunan” vaccine, ay posible ring bawiin ang kanilang mga medical license.
Samantala, naglabas ang FDA ng cease and desist order laban sa paggamit ng ‘Fabunan anti-viral injection’ na pinaniniwalaan ng marami na panlaban sa COVID-19.