MELROSE MANUEL
PLANO ng mga empleyado ng ABS-CBN na maghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) laban sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ayon sa mga empleyado, kanilang ilalahad sa petisyon kung ilan talaga ang mga manggagawa at mga pamilya nila ang apektado sa pagsasara ng network.
Maaalala na inihayag ni ABS-CBN President at Ceo Carlo Katigbak na posibleng magtanggal na sila ng mga empleyado simula sa Agosto kapag hindi nagbukas uli ang Kapamilya Network.
Naghain din ng petisyon ang ABS-CBN sa SC na humihiling na mag-isyu ito ng temporary restraining order laban sa shutdown order ng NTC subalit hindi ito tinugunan ng mga mahistrado sa halip ay pinagkomento muna ang NTC hinggil dito.