HANNAH JANE SANCHO
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang katapatan ng gobyerno sa lahat ng mga manggagawang Pilipino sa buong mundo ngayong Araw ng Paggawa o Labor Day.
Sa ipinalabas na mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang pundasyon at pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas ay ang pagsisikap ng mga manggagawang Pilipino.
Dahil dito, nangako ang Pangulo na kanyang protektahan ang dignidad at karapatan ng mga manggagawa.
Pinaalalahanan din ni Duterte ang mga nasa business sector na bigyan ng makataong working conditions at stable na trabaho ang lahat ng mga empleyado nito.