Ni: Champaigne Lopez
SA dami ng ating mga problema at pinagdadaanan, minsan ay kailangan natin magbasa ng mga motivational quotes upang tayo ay ma-inspire na ipagpatuloy ang ating mga pangarap sa buhay.
Normal sa bawat tao ang makaranas ng problema, maliit man o malaki dahil ito ay parte ng ating buhay. Ang mga pagsubok na dumadating din ang siyang nagpapatatag at nagpapalakas sa atin. Narito ang ilan sa mga inspirational quotes na makakatulong para sa pag-unlad.
- “However difficult life may seem, there is always something you can do and succeed at.” — Stephen Hawking, British theoretical physicist
— Kahit gaano kahirap ang pinagdadaanan natin ay mahalagang huwag tayong panghinaan ng loob dahil parating may solusyon sa ating paghihirap o sa mga problemang kinahaharap natin na balang araw ay ating pagtatagumpayan.
- “It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.” — Confucius, Chinese philosopher
— Ang pagtigil tuwing may pinagdadaanan tayong mabigat na suliranin ay hindi kailanman solusyon. Hindi man mabilis ang iyong proseso, ang mahalaga ay naniniwala ka sarili mo na matutupad mo rin ang iyong inaasam.
- “All our dreams can come true, if we have the courage to pursue them.” — Walt Disney, American filmmaker 1901-1966
— Hangga’t mayroon tayong lakas ng loob ay walang imposible na matupad ang ating mga pangarap sa buhay.
- “Reality is created by the mind, we can change our reality by changing our mind.”— Plato, Greek philosopher, pedagogue and mathematician
— Ang lahat ay nagsisimula sa kung paano tayo mag-isip, kaya kung gusto natin ng pagbabago ay simulan natin ito sa pagbabago ng ating pag-iisip. Dahil lahat ng iniisip mo ay nagiging mga salita mo, lahat ng mga salita mo ay nagiging kilos mo at lahat ng kilos mo ay siyang nagiging katotohanan.
- “A person who never made a mistake never tried anything new” — Albert Einstein, German theoretical physicist
— Hindi masama ang magkamal, lalo na kung ginagamit mo ang iyong pagkakamali upang matuto.