BRIGETTE VIRGABINIA
DUMARAMI ang mga nagpapakamatay at nagkakagulo sa loob ng cruise ship dahil sa nararanasang depresyon sa pagkaka-estranded dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon sa report sa iba’t ibang cruise ship na nastranded tulad ng Regal Princess Cruise Ship, Royal Caribbean’s Jewel of the Seas at Carnival Corporation’s Carnival Breeze ay marami na umano rito na mga empleyado ang nagkakagulo at nagpapakamatay.
Kaugnay nito, iginiit ng pamunuan ng mga naturang cruise ship na ginagawa nila ang kanilang makakaya para maihatid ng maayos ang kanilang mga empleyado at mga pasahero sa kani-kanilang mga pamilya.
Sa ngayon, nakikipagtulungan na sila sa government at health authorities sa buong mundo patungkol sa kanilang mga plano.
Samantala matagumpay naman nilang naihatid ng maayos ang mahigit 16,000 crew members sa kanilang mga pamilya.