JAMES LUIS
MAAARI nang magbalik-eskwela ang mga pribadong paaralan sa buong bansa simula sa Hunyo.
Ito ang inihayag ni DepEd Secretary Leonor Briones sa virtual press breifing ngayong araw.
Gayunman, nilinaw ng kalihim na mahigpit na ipagbabawal ang pagsasagawa ng face-to-face classes hanggang sa August 24 na unang itinakda ng DepEd na pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.
Ito ay paraan na rin upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante maging ng guro mula sa banta ng COVID-19.
Matapos ang August 24, saka lamang papapayagan ng DepEd ang pagkakaroon ng face-to-face classes ngunit hindi maaaring lumagpas sa 20 estudyante ang isang klase.
Dahil naman sa compressed school year, papayagan ng DepEd ang pagsasagawa ng klase tuwing Sabado.