STEPHANIE MACAYAN
SA panahon ngayon, kung ano-anong mga sakit ang tumatama sa mga tao. Isa na rito ang sakit sa puso na siyang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino, base sa datos ng Department of Health.
Kaya habang maaga pa at hindi pa hul ang lahat, alagaan ang kalusugan at gawin ang mga bagay na makakatulong upang makaiwas sa sakit. Dapat din kumain ng mga masustansyang pagkain gaya ng mga prutas na makakapagbigay ng lakas sa ating katawan at makakatulong upang malayo sa anomang uri ng sakit sa puso.
Kaya, idagdag ang sumusunod na mga prutas sa iyong shopping cart:
- SAGING
Mainam ang saging sa may mga may sakit sa puso dahil sa taglay nitong potassium. Kumain ng dalawang pirasong saging bawat araw para makaiwas sa sakit. Para sa mga taong stress sa buhay at hindi makatulog nang maaga nakakatulong din ang saging upang makapagparelax dahil sa sangkap nitong tryptophan.
- AVOCADO
Nakakatulong ang avocado sa pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit sa puso at stroke. Dahil, ito ay nagtataglay ng healthy oils at good fats. May sangkap din itong vitamin E at vitamin B6 na nakapagpapakinis ng balat.
- UBAS
Ang makakatas na prutas kagaya ng ubas ay tumutulong na mapanatiling normal ang mga platelets sa ating dugo at nakakatulong upang mapalusog ang ating puso at makaiwas sa anumang uri ng sakit sa puso.
- RASPBERRIES
Ang prutas na ito ay nakakatulong upang maging mababa ang tyansa ng pagkakaroon ng stroke dahil ang mga berries ay puno ng polyphenols isang antioxidant, at mayaman din ito sa vitamin C.
Ano pang hinihintay mo? Pumunta na sa malapit na palengke o supermarket upang makabili ng mga nasabing prutas nang makaiwas sa anumang uri ng sakit sa puso, magkaroon ng malusog na pangangatawan at magtamasa ng masayang buhay na malayo sa anumang sakit.