NI: JUSTINE NAZARIO
BINAWIAN ng korona ang kasalukuyang Miss Eco International 2019 holder na si Suheyn Cipriani ng Peru matapos mabalitang nagdadalang-tao ito.
Sa ngayon usap-usapan kung kanino ipapasa ang korona.
Matatandaan na si Maureen Montagne ang naging pambato ng Pilinas na nagkamit ng first runner up kasunod ni Suheyn.
Pagkatapos magpaalam ni Suheyn sa Miss Eco Organizers maaari nang ilipat ang korona kay Maureen.
Samantala, malapit na rin magtapos ang reign ng Miss Eco, kaya kung sakali maipasa na ang korona ngayon hanggang August pa maaaring isuot ni Maureen ang Miss Eco International Crown.