NI: VIC TAHUD
MAGPAPATUPAD ang MMDA ng bagong polisiya sa kahabaan ng EDSA sa ilalim ng “new normal.”
Sa ilalim nito, itatakda ang dalawang lane sa kaliwang bahagi ng EDSA para sa mga pampublikong bus.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, layon nito na makontrol ang passenger lines at mapigilan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.
Magtatakda naman aniya sila ng labing limang loading at unloading areas sa kahabaan ng EDSA.
Una namang iminungkahi ng MMDA ang pagpapatupad ng “modified coding system” kung saan kailangang magsakay ang isang sasakyan ng hindi bababa sa dalawang tao.