MELROSE MANUEL
MASISIRA ang buong ekonomiya ng Pilipinas kung muling magpapatupad ng panibagong lockdown.
Ito ang pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion matapos ipagtanggol ang ginagawang rapid tests ng pribadong sektor sa pagbabalik trabaho ng kanilang manggagawa.
Ayon kay Concepcion, masisira ang stimulus package dahil hindi na gagana ang ekonomiya.
Ito ay kung muling magbibigay ng panibagong cash aid sa mga residenteng apektado ng lockdown.
Sinabi pa ni Concepcion na ang pagkasira ng ekonomiya ay posibleng magdulot ng kawalan ng trabaho.
Dahil dito, muling giniit nito na mas mabuti pa rin ang magsagawa ng rapid testing kaysa walang gagawin.