MELROSE MANUEL
KASABAY ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr, isa-isang pumila ang ilan sa mga Muslim upang magpa-rehistro sa social amelioration program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Partikular na pumila ang mga residenteng Muslim ng Barangay 384 Zone 39 sa Quiapo, Maynila.
Nauna nang humingi ng tulong ang ilan sa mga Pilipinong Muslim na hindi nakasama sa unang bugso ng SAP na hirap din sa sitwasyon dahil sa umiiral na community quarantine.
Umaasa sila na ngayong second tranche ng SAP ay makakuha na sila ng cash assistance kung saan hangad din ng iba sa kanila na makabalik sa pagne-negosyo.