JUSTINE PILANDE
NAGTAAS ng health alert ang United States of America Centers for Disease Control and Prevention (CDC) kaugnay sa isang sakit na konektado sa COVID-19.
Ayon sa CDC, ang sakit na ito ay “multisystem inflammatory syndrome in children” (MIS-C).
Ang tinatamaan ng sakit na ito ay kadalasan mga bata kaya kinunsidera ito na pediatric “multisystem inflammatory syndrome”.
Batay sa kanilang datos, mayroon ng 110 kaso na naitala nito sa New York, 17 sa New Jersey, 6 sa California at maging sa Connecticut, Georgia, Kentucky, Ohio, at Washington.
Samantala batay sa tala ng Johns Hopkins University and Medicine, umabot na sa higit isang milyong at apatnaraang libo (1,400,000) ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos kung saan walumpu’t limang libo walundaan at walumpu’t anim (85,886) rito ang nasawi.