MELROSE MANUEL
PATULOY ang pagtaas ng mga nakakarekober sa kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health, nakapagtala ng panibagong dalawangdaan at siyamnapu’t lima (295) ang nakarekober.
Dahil dito tumaas pa sa bilang na isanglibo dalawangdaan at labing apat ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na sa bansa.
Nakapagtala rin ang DOH ng panibagong apat na nasawi upang tumaas pa sa bilang na animnaraan at pito (607) ang mga namatay na dahil sa COVID-19.
Sa ngayon, tumaas pa sa bilang na siyam na libo at dalawangdaan (9,223) at dalawampu’t tatlong kaso ng COVID-19 sa bansa.