MELROSE MANUEL
IPINAGMALAKI ng Filipina singer song-writer na si Reese Lansangan na ginamit ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kaniyang kanta para sa kanilang bagong kampanya.
Sinabi ng 29 years old singer, labis na ikinatuwa nito ang magandang balita nang ipaalam ng NASA na gagamitin nila ang kanyang kantang ginawa pitong taon na ang nakalilipas na “A Song About Space”.
Ayon sa NASA, ang bagong kampanya nila ay bilang suporta sa astronaut na si Bob Behnken at Dough Hurley ng Crew Dragon Spacecraft na gawa ng Space X na darating sa Mayo 27 sa Florida, U.S.A.
Ito ang unang American operated rocket at spacecraft na magdadala ng tao sa space station.
Umaasa naman si Reese na papatok ang kanyang kanta sa international space station.