JAO DAYANDANTE
TUMAAS ng 33% ang annual profit ng Nintendo Company, isang Japanese video-game creator sa larangan ng E-sports kung saan ang sales nito sa buwan ng Marso ay tumaas ng 9%.
Sinabi ng Nintendo na hindi sila masyadong naapektuhan ng COVID-19 crisis dahil madaming tao ang bumili ng games sa pamamagitan ng internet.
Dagdag pa nito na sa panahon ngayon ng lockdown, ang paglalaro ng video games ay isang sikat na aktibidad sa bahay.
Sa ngayon ay nagpaplano naman ang Nintendo kung paano makakabawi sa hinaharap dahil ayon sa pag-aaral, ang Game Development Industry ay magdudusa kung ang mga developers ay mananatili sa pamamahay.