MELROSE MANUEL
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa puwesto si Assistant Secretary Kristoffer James Purisima bilang Deputy Administrator sa Office of the Civil Defense o OCD.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, dahil sa lack of trust and confidence ang pagkakatanggal nito sa serbisyo.
Nabatid na inatasan ni Pangulong Duterte ang OCD upang pangasiwaan ang lahat ng donasyon mula sa foreign governments, private entities, non-governmental organizations, o iba pang grupo at indibidwal para sa laban ng bansa sa COVID-19.
Sa ngayon wala pang nakikita ang Pangulo na ipapalit sa na bakanteng pwesto ni Purisima.
Samantala, kinumpirma rin ni Roque na tinanggap na ni Pang. Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology Undersecretary Eliseo Rio.