VIC TAHUD
INIHAYAG ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na natunton na ang isang Overseas Filipino Worker na nagpositibo sa COVID-19 na tumakas sa isang quarantine facilities bago lumabas ang resulta ng test nito.
Ayon kay Cacdac, nasa kustodiya na ito ng Department of Health Bureau of Quarantine.
Matatandaang, inihayag ng Philippine Coast Guard na walong OFWs ang tumakas sa kanilang quarantine facility bago pa man lumabas ang mga resulta ng pagsusuri sa mga ito.
Payo ni Cacdac sa mga OFWs, maging matiisin sa paghihintay ng mga resulta bago tuluyang lumisan sa mga pasilidad.