VIC TAHUD
NABABAHALA ang ilang Overseas Filipino Workers na nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kung kailan sila makakasakay ng eroplano pauwi sa kanilang mga probinsya.
Ang mga OFWs na ito ay walang ticket at hindi nila alam ang oras kung kailan sila makasasakay.
Para naman sa ilang OFW, nagpapasalamat sila sa aksyon na ito ng pamahalaan at kailangan laman anilang maghintay at magtiis para sa susunod na flight.
Matatandaang, ipinag-utos ni Pangulo na sa loob ng isang linggo mapauwi na ang 24,000 OFWs na na-istranded sa mga quarantine facility dahil sa mabagal na pagproseso ng kanilang COVID test.