CLAIRE HECITA
LUMAHOK ang estado ng Sao Paulo sa online inauguration ng Arena Hub, ang tinaguriang pinakamalaking sports center sa buong Latin America na matatagpuan sa Allianz Parque Stadium sa Sao Paulo, Brazil kamakailan.
Pinangunahan ni Sao Paulo Governor Joao Doria at Secretary of State for Sports na si Aildo Ferreira ang inagurasyon ng naturang sports center.
Ang Arena Hub na may sukat na 4,000 square meters ay pinondohan ng mga pribadong sektor na suportado naman ng Sao Paulo State Government, na inilunsad noong Setyembre 2019.
Kasamang nakilahok sa online inauguration ng Arena Hub ang mga kinatawan mula sa Ernst & Young, São Paulo Football Federation, Allianz Parque, 2Simple, V3A, BNZ, at iba pang partners sa paghahanda ng nasabing proyekto. Tinatayang nasa mahigit apatnapung pre-selected startups ang katuwang ng pamahalaan sa pagdevelop sa proyektong ito.
Ang arena ay may sukat na 4,000 square meters at inaasahan itong magagamit hindi lamang sa kasalukuyan ngunit pati na rin sa hinaharap na mga event.
Muling pinatunayan ng Sao Paulo ang bokasyon sa inobasyon at kakayanan nito sa larangan ng pangpalakasan.