VHAL DIVINAGRACIA
WALANG katuturan ang usap-usapang walang planong magsagawa ng mass testing ang pamahalaan.
Ito ang nilinaw ni National Task Force for COVID-19 Spokesperson Retired General Restituto Padilla kung saan ang aniya ang pinakabuod ng nasabing action plan ay para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa buong bansa.
Sinabi nito na isa sa naturang plano ang pagsasagawa ng mass testing pero hindi pa kaya ng pasilidad ng bansa na makamit ang mataas na bilang para sa swab tests.
Matatandaang pinagsisikapang solusyonan ngayon ng Department of Health ang nasabing hinaing sa pamamagitan ng targetted o focused COVID-19 testing.