VHAL DIVINAGRACIA
POSIBLENG papayagan na ang ilang mga non-essential businesses sa ilalim ng modified enhanced community quarantine ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.
Ayon sa kalihim, pinaplantsa na nila ang listahan sa maaaring magbalik-operasyon na gagawin paunti-unti.
Titiyakin rin ani Lopez na masusunod ng mga kumpanya ang mga guidelines o mga precautionary measures para maiwasan parin ang paglaganap ng COVID-19.
Samantala, iilan sa mga posibleng buksan ulit ay ang manufacturing at processing industries.