MELROSE MANUEL
IKINAALARMA ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang pagdagsa ng publiko sa pagsisimula ng mas maluwag na quarantine restrictions.
Dahil dito, pinaalalahanan ni NTF Against COVID-19 Spokesperson Retired General Restituto Padilla ang publiko na panatilihin ang pag-iingat laban sa COVID-19.
Sinabi pa nito na ang pagdagsa ng tao sa ilalim ng modified at general community quarantine ay marahil resulta ng ganap na pagkaintindi sa sakit.
Una nang nagbabala ang World Health Organization na ang rapid lifting ng restrictions ay maaring magdulot ng fatal resurgence ng mga kaso ng COVID-19.