JAO DAYANTE
HINDI ikinatuwa ni Sen. Grace Poe ang paglalakad ng mga manggagawa ng kilo-kilometro para lang makapasok sa kanilang trabaho.
Dahil hanggang ngayon ay wala pa ring public transport na pinayagang magbalik-operasyon sa ilalim ng modified enhanced community quarantine.
Aniya, kailangang gawan ng paraan ng gobyerno ang ganitong pasanin ng mga manggagawa kung saan inilalagay lamang sa kapahamakan ang buhay ng mga ito.
Giit pa ni Poe na kailangang magtulungan ang bawat isa para i-angat ang ekonomiya ng bansa sa panahong ito ng pandemiya.
Matatandaang, pinayagan nang magbukas ang ilang kumpanya sa buong Metro Manila at ilang karatig-probinsya matapos ilagay ito sa MECQ hanggang sa Mayo a-31.