Yna Mortel
MAITUTURING unconstitutional act ang pagpapalawig ng broadcast ng ABS-CBN kahit na paso ang prangkisa nito.
Ito ang naging pahayag ni dating Senador Juan Ponce Enrile sa kanyang programang Dito sa Bayan ni Juan sa Sonshine Radio, kaugnay sa isyu ng kung magpapatuloy ang pag-broadcast ng Kapamilya network kahit paso na ang prangkisa nito.
Binigyan diin din ni Enrile na kailangan ng prangkisa ang bawat broadcast media na hindi lalagpas sa 25 taon ang bisa maliban na lang kung ma-renew ito sa Kongreso.
Sinabi rin ng dating senate president na dapat respetuhin ang Saligang-Batas bilang ito ang nagpapatakbo sa Republika ng bansa.