MJ MONDEJAR
MALAKING hamon ngayon sa Barangay Tatalon ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine dahil sa COVID-19. Problema kasi kung mapapanatili ba ang pag-iral ng mga protocols ngayong may pandemya.
Ayon kay Barangay Chairman Rodel Lobo, malaking hamon ang pagpapatupad ng health protocols lalo na yung mga negosyo sa kahabaan ng Banawe kung saan autoparts ang kadalasang negosyo.
Nilinaw naman ng barangay na hanggang 50% ng work force lamang ng mga negosyong papayagang mag-operate ang dapat pumasok sa trabaho sa ilalim ng MECQ.
Bukod sa Banawe, sandamakmak din ang mga business establishments sa Barangay Tatalon lalo na sa mga bahagi ng Araneta, E Rodriguez at Quezon Avenue.
Bukod sa maraming special concerned areas sa barangay, problema rin nito ang bagyo Ambo.
Ayon kay Chairman Lobo, pahirapan ang pagtukoy ng evacuation centers lalo pa’t mahigpit ang pagpapatupad ng social distancing.
Aniya, isang catch basin ang Tatalon na bahain kapag ganitong malakas ang buhos ng ulan.
Samantala, isa si Kapitan Lobo sa mga pinatawan ng show cause order ng DILG dahil sa mabagal na implementasyon ng SAP.
Subalit nagpadala siya ng liham upang ipaliwanag sa DILG ang kaniyang panig.
Umaapela naman ito ng konsiderasyon sa DILG dahil bahagi lamang ang SAP implementation sa kanilang ginagampanan sa barangay.
Samantala, inalis na ng city government ang umiiral na liquor ban dahil sa COVID-19 lockdown.
Subalit, mula ala una hanggang alas 5 lamang ng hapon papayagan ang pagbebenta ng alcohol products.