CHERRY LIGHT
AMINADO si Manila City Mayor Isko Moreno na hindi ang pagtatanggal ng liquor ban sa Maynila ang kasalukuyang prayoridad nito sa ilalim ng modified enhanced community quarantine.
Sa kasalukuyan kasi isa sa mga pangunahing tinututukan ngayon ng Manila City Government ay ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa 670,000 pamilya na nasa lungsod sa halip na ibili ng alak ay ibili na lamang ng pagkain.
Bukod pa dito abala rin ang Manila City kung paano reresolbahin ang hamon ng COVID -19 pandemic sa lungsod.
Dagdag na paliwanag ni Mayor Isko na ang alak ay isang uri ng bisyo na pwede naman mag-antay.
Sa kabila nito ay tiniyak ng alkalde na hindi ibig sabihin ay hindi na aalisin ang liquor ban sa Maynila.