MELROSE MANUEL
WALANG kinalaman ang Malakanyang sa ginawang pagbawi ng Kamara sa ipinasang panukalang batas na magbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN.
Ito ang paglilinaw ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sinabi ni Cayetano na patas at hindi dinidiktahan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Kongreso kung pagkakalooban o hindi ng prangkisa ang ABS-CBN.
Sa kabila nito, kanila paring pagpapaliwanagin ang National Telecommunications Commission at Office of The Solicitor General kaugnay sa pagsasara ng nasabing network sa kabila ng kanilang panawagan na pansamantalang palawigin ang prangkisa ng naturang giant network.