MELROSE MANUEL
IPINANUKALA ni Senate Committee on Labor Senator Joel Villanueva na dapat palawigin pa ng gobyerno ang pagbibigay ng ayuda habang unti-unting binubuksan ang ekonomiya ng bansa.
Ang social support program ng pamahalaan ay dapat ipamahagi para sa mga mahihirap at vulnerable sectors.
Ayon kay Villanueva, marami pang nangangailangan ng tulong dahil sa kawalan ng pangkabuhayan at ang ilan ay natatanggal na sa kanilang trabaho.
Iginiit din nito na dapat pag-aaralan na ng maayos ang magiging benepisyaryo na makakatanggap ng ayuda.