MELROSE MANUEL
PINALAWIG pa sa ikatlong pagkakataon ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) hanggang bukas, Mayo a-trese.
Sa pahayag ni DSWD-NCR Director Vicente Gregorio Tomas, hindi naabot ng ibang local government unit ang May 10 deadline para tapusin na distribution.
Gagawin naman ang liquidation sa unang batch ng SAP upang muling mabigyan ang mga LGU ng pangalawang batch na cash subsidy.
Tiniyak naman ni Tomas na ang listahan ng mga “left-out” o yung mga hindi nakasama sa listahan ng SAP beneficiaries ay kasalukuyang isinasailalim sa cross matching at validation ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng economic managers.
Samantala, sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na inaasahang maglalabas na ang Malacañang ng executive order ngayong linggo na magsisilbing basehan at panuntunan sa pagpapatupad ng ikalawang bahagi ng SAP.