CRESILYN CATARONG
NA-ISYU na ng Office of the Executive Secretary ang memorandum nitong Biyernes na nagsasabing maaari nang ipamahagi ang second tranche ng social amelioration program o sap cash aid.
Kinumpirma ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa laging handa public briefing kung saan kasama na aniya rito ang limang milyong mga bagong pangalan na bibigyan ng ayuda at ang 18 million low-income families na dati nang nakakuha ng ayuda noong first tranche. Idinagdag pa ni Roque na dapat patuloy ang proseso nito at umuusad na.
Inihayag pa ng palace spokesman na ang pagkakaiba lang ay gagamit na ng electronic ways para sa pamamahagi ng tulong pinansyal at tutulong din ang hukbong sandatahan sa pamumudmod ng ayuda.