NI: MELROSE MANUEL
NANINIWALA si Pangulong Rodrigo R. Duterte na mauunang makagawa ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 ang China.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa ginanap na IATF meeting kagabi.
Ayon sa Pangulo, posibleng magiging available ang COVID-19 vaccine sa buwan ng Setyembre. Aniya hindi lamang nagyayabang ang China pero kumikilos na ang mga ito para agad makabuo ng bakuna laban sa sakit.
Maaalala na nagmula sa Wuhan City ang outbreak ng COVID-19 pandemic.