MELROSE MANUEL
NAGPASALAMAT si Senator Christopher Bong Go kasunod ng pagkakaratipika ng Bicameral Conference Committee sa kanyang panukalang National Academy of Sports (NAS).
Sa kanyang manifestation speech, sinabi ni Go na bilang Chairman ng Senate Committee on Sports, masaya siya dahil layon ng panukala ang benepisyo ng akademiya sa mga kabataan at sa sports sector ng bansa.
Binigyang diin ni Go na sa pamamagitan ng NAS ay makakapantay na ng mga atletang Pinoy ang ibang mga bansa sa larangan ng sports development.
Dagdag ni Go na pinasasalamatan niya si Senator Sherwin Gatchalian na nag-sponsor sa panukala bilang chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture gayundin ang iba pang miyembro ng bicam na sina Senator Pia Cayetano, Senator Sonny Angara, Senator Francis Tolentino, Congressman Roman Romulo, Congressman Eric Martinez, Congressman Mark Go, Congressman Victor Yap at Congressman Franz Castro.
Pinasalamatan din ni Go ang Philippine Sports Commission, Department of Education, Department of Budget and Management at ang Bases Conversion Development Authority sa kanilang suporta at tulong oras na mapirmahan na ito ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.