VHAL DIVINAGRACIA
PARA sa ekonomiya ang pagbubukas ng mga negosyo ngayong sumailalim na sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.
Ito ang binigyang-diin ni Philippine National Police Deputy For Operations at Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar.
Ayon kay Eleazar, hindi binuksan ang mga negosyo gaya ng malls dahil maaari nang mag-lakwatsa ang publiko.
Mababasura lang aniya ang naging resulta ng pagpapatupad ng ECQ noong nakaraang buwan kung may second wave ng COVID-19 dahil hindi sinunod ng publiko ang social distancing ngayong nasa MECQ na ang Metro Manila.
Patuloy namang ipinaalala ng pamahalaan sa publiko na manatili na lang sa bahay lalo na ang mga hindi pinapayagang makalabas.