HANS MARCIAL
KINORONOHAN bilang kampeon ang Paris-Saint Germain dalawang araw matapos ipag-utos ng gobyerno na i-kansela ang natitirang mga laro dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic.
Ang PSG ay lamang ng sampung puntos mula sa ikalawang pwesto na hawak ng Marseille.
Ito na ang ika-pitong panalo ng team sa huling walong taon at imbis na ipagdiwang ang pagkapanalo ay naging tahimik ang mga netizens.
Inialay naman ni PSG President Nasser Al-Khelaifi ang titulo sa mga heathcare staff na humaharap sa COVID-19 pandemic.