CLAIRE HECITA
Sa murang halaga, nakagawa ng isang non-invasive respirator para sa mga pasyenteng may COVID-19 ang mga mananaliksik mula sa Pontificia Universidad Catolica Del Peru at ang Universidad Peruana Cayetano Heredia sa Peru.
Ang mga respirator na ito na ginawa ng mga researchers ay maaaring magamit para sa respiratory therapy sa mga hindi gaanong kritikal na pasyente na may COVID-19.
Ang naturang respirator na tinawag na snorkel COVID-19 ay isang medical device na ginagamit sa mga bansa sa Europa tulad ng Italy at England.
Ang sistema na ito ay nagkakahalaga ng 116.7 US dollars at aabot lang ng sampung minuto para makabuo nito.
Ipinaliwanag ni Luis Vilcahuaman, biomedical engineer at coordinator ng PUCP bioengineering group na ang respirator ay gumagamit ng isang snorkeling mask na tatakpan ang buong mukha ng pasyente.
Sa ganitong paraan, maiwasan na makontamina ang mga medical staff at ang mga kalapit na pasyente sa ilalabas na hangin sa paghinga nito. Ang naturang face mask ay maaaring i-sterilized at muling gamitin.