JAO DAYANDANTE
UMANI ng papuri ang naging ambag ng Philippine Red Cross sa pagsasagawa ng COVID-19 test sa bansa.
Base sa datos na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases nasa 45% mula sa 11,123 tests ang nagawa ng PRC noong May 14.
Samantala, ipinunto ni Majority Leader Miguel Zubiri na kung kayang gawin ito ng PRC sa pangunguna ni Senator Richard Gordon ay makakaya rin ng ito ng National Task Force.
Ipinagmalaki naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang naging katagumpayan na ito ng PRC.
Sa kabuuan, base sa tala ng PRC, nakapagsagawa sila ng 4,590 tests noong May 14, ng 5,040 test noong May 15, at 5,400 test noong May 16, at 6,030 test noong May 17.
Ang PRC ay mayroong 3 Molecular Laboratories na may Polymerase Chain Machines na kayang makapagsagawa ng kabuuang 12,000 test kada araw.