CHERRY LIGHT
NAKAREKOBER ang pinakabatang Pilipino na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.
Ayon kay Philippine Ambassador sa UAE na si Hjayceelyn Quintana, isang batang may edad na isang taon at 6 na buwan ang pinakabatang Pinoy na survivor sa bansa.
Sa ginawang pagsusuri ng Abu Dhabi Health Services Company, pitong beses nagpositibo ang sanggol na si Baby Zaine at ginamot ito sa loob lamang ng tatlong linggo habang ang ina nito at nakitaan ng mild symptoms ng COVID-19.
Samantala, sa pinakahuling tala ng UAE Health Ministry and prevention, umabot na sa labing-apat na libo, pitongdaan at tatlumpu ang (14,730) kabuuang kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.
Sa naturang bilang naman, nasa dalawang libo siyamnaraan at animnapu’t anim (2,966) dito ang nakarecover sa COVID-19 habang isangdaan at tatlumpu’t pito (137 naman ang nasawi.