MELROSE MANUEL
NAKATAKDANG bibiyahe ngayong araw ang mga Pilipinong mula San Francisco California patungong Manila kung saan sakay ang special flight ng Philippine Airlines.
Una na rin kinumpirma ng Manila International Airport Authority na patuloy din ang pagsisikap ng pamahalaan ng Pilipinas na mapauwi ang mga OFWs na naiipit sa ibang bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs apat na chartered flight ang nakaskedyul ngayong linggo para sa repatriation ng mga pinoy OFWs na mula sa mga bansang Yangon, Mynmar, Doha Qatar, Dili at East Timor.
Sa huling tala ng DFA ay umabot na sa mahigit dalawampu’t pitong libo na ang napauwi nang mga Pinoy na mula sa abroad na naiipit dahil sa COVID -19 pandemic crisis.