VHAL DIVINAGRACIA
MAGLALAGAY ng mga help desks ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng mga estasyon nito sa bansa.
Layunin sa nasabing help desks ang matulungan ang mga na-stranded na mga indibidwal at mga OFWs na bumalik sa bansa bunsod ng COVID-19.
Ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
Sa nasabing help desks naman ipoproseso ani Año ang aplikasyon para sa travel authority ng mga inbidwal na gusto nang makabalik sa kanilang mga bahay matapos mai-quarantine sa ibang lugar.
Nakasaad din aniya sa operational guidelines na inisyu ng national task force laban sa COVID-19 ang nasabing help desks.