NI: VHAL DIVINAGRACIA
NAKAPAGTALA ng mataas ang recovery rate mula sa COVID-19 ang PNP sa kanilang hanay.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Archie Francisco Gamboa, ito ang resulta ng maaga nitong pagpapatupad ng hakbang para mapangalagaan ang kanilang mga kabaro.
Batay sa huling datos, may kabuuang 298 na ang na-infect sa mga kapulisan kung saan 147 naman ang naka-recover mula dito.
Ibig sabihin ani Gamboa, halos 50% ang recovery rate sa PNP.
Matatandaang bago pa ang testing center na inilunsad ng PNP kamakailan lang, sinabi ni Gamboa na nagpatayo na ito ng sariling quarantine facility sa loob ng Camp Crame.
Ito’y para mabilis na mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa kanilang mga kasamahan na tumatayo bilang frontliner.