ADMAR VILANDO
MULING tututukan ng Philippine National Police (PNP) ang war-on-drugs sa oras na matapos ang enhanced community quarantine sa buong Metro Manila at sa ibang parte ng bansa sa Mayo a-kinse.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, bibigyan ulit nila ito ng pansin matapos niluwagan ang pagtutok dito dahil sa banta ng COVID-19 sa bansa.
Aniya, inaasahan na din ng PNP ang biglang pagtaas ng mga krimen kabilang na dito ang illegal drugs kung matatapos na ang ECQ kung kaya’t nakahanda na ang mga kapulisan ukol dito.
Samantala, ayon kay Banac, hindi naman mataas ang naitalang kaso ng illegal drugs sa kasagsagan ng ECQ kung ikukumpara sa panahong bago pa tumama ang coronavirus.