VIC TAHUD
UMABOT na sa dalawang daan at limampu (250) mga personnel ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa naturang bilang, apat dito ang binawian ng buhay habang animnapu’t siyam (69) ang mga gumaling.
Mayroon namang 754 probable COVID-19 cases at 538 suspected cases ang PNP.
Sa ngayon, nananatili sa isolation facility ng Camp Crame ang ilang mga hinihinalang kaso ng COVID-19.