MELROSE MANUEL
ISASALANG sa clinical trial ng Glenmark Pharmaceuticals Ltd. sa India ang dalawang antiviral drugs bilang potensyal na gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Tinukoy ng Glenmark ang dalawang gamot na Favipiravir at Umifenovir.
Tiniyak ng Glenmark ang pag-apruba ng Indian regulatory para sa nasabing pagsusuri kung saan target nitong mailahok sa clinical trial ang nasa 158 pasyenteng mayroong moderate COVID-19.
Sa ngayon isa ang India sa mga bansang matinding naaapektuhan ng COVID-19 pandemic na may death toll na 4,167.