VIC TAHUD
INIHAYAG ni Southern Luzon Command Chief, Lt. Gen. Antonio Parlade na buhay na buhay ang press freedom ng bansa kasunod ng pagpapasara sa giant network na ABS-CBN matapos magpaso ang prangkisa nito.
Ayon kay Parlade, hindi martial law ang dahilan ng pagpapasara sa ABS-CBN bagkus ang kabiguan nito na makakuha ng bagong prangkisa sa Kongreso.
Una nang iginiit ni Amnesty International Philippines Section Director Butch Olano na ang pagsasara ng kapamilya network ay pag-atake sa media at press freedom ng bansa.
Sa ngayon, nananatiling nakabinbin sa Kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN.