JAO DAYANDANTE
BUBUKSAN na sa susunod na buwan ang paglalaro ng professional baseball sa Japan ayon kay League Commissioner Atsushi Saito matapos ang kaniyang online meeting kasama ang mga representative ng 12 participating teams.
Base sa report, June 19 opisyal na magbabalik ang naturang laro.
Ngunit plano ng pamunuan ng liga na hindi muna magpapapasok ng mga manunuod para mapanatili ang safety protocols sa mga sporting facility.
Matatandaang napostponed ang huling season ng baseball sa Japan noong March 20 dahil sa COVID-19 outbreak.